18 na tauhan ng florante at laura Ang mga tauhan sa obra maestra ni Francisco Balagtas na "Florante at Laura": Florante - pangunahing tauhan, anak nila Duke Briseo at Prinsesa Floresca Laura - natatanging pag-ibig ni Florante na aagawin ni Adolfo, anak ni Haring Linceo Flerida - matapang na babaeng Moro, kasintahan ni Aladin, tagapagligtas ni Laura kay Adolfo Duke Briseo - mabait na ama ni Florante, taga-payo ni Haring Linceo Prinsipe Aladin/Aladdin - gererong Moro, Prinsipe ng Persiya, anak ni Sultan Ali-Adab, tagapagligtas ni Florante Adolfo - anak ni Konde Sileno ng Albanya, isang taksil at may lihim na inggit kay Florante, balakid sa pagmamahalan nila Florante at Laura, aagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya Antenor - mabait na guro sa Atenas, Amain ni Menandro Sultan Ali-Ada - ama ni Aladin, umagaw sa kasintahan ni Aladin na si Flerida Prinsesa Floresca - ina ni Florante Menalipo - pinsan ni Florante Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumusob
Bakit itinuturing ng mga taong nag araal na isang henyo si pilosopong tasyo? Bakit itinuturing ng mga taong nag-aaral na isang henyo si Pilosopo Tasyo? Si Don Anastacio mas kilala sa pangalang "Pilosopo Tasyo" ay galing sa isang mayamang pamilya. Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng San Jose. Marami siyang alam at sinasabi tungkol sa pulitika at lipunan na hindi lubos maunawaan ng mga tao kaya negatibo ang tingin nila sa kaniya dahil sa kaniyang pambihirang talino. Matalinghaga rin siya sa kanyang mga pananalita. Dahil sa pambihirang talino, gusto siya patigilin ng ina niya sa pag-aaral dahil baka malimutan niya na maglingkod sa Diyos kaya hinimok siya ng nanay niya na mag pari. May pambihirang talino si Pilosopo Tasyo kaya ibang iba ang tingin ng mga tao sa kanya. Para sa higit pang impormasyong tungkol sa paksang ito, pakisuyong bisitahin ang mga link sa ibaba: brainly.ph/question/1322680 brainly.ph/question/1346412 brainly.ph/question/1439847
Anu ang maaring pagkunan ng paksa Maaring pagkunan/hanguan ng paksa Sarili - maaaring humango ng paksa mula sa sariling karanasan, nabasa, narinig o napakinggan, natutunan. Magasin at Dyaryo - maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng dyaryo o magasin. Radyo at TV - maraming programa sa radyo at TV na mapagkukunan ng paksa Kaibigan at guro - sa pamamagitan ng pagtatanong sa ibang tao maaaring makakuha ng ideya na mapaghahanguan ng pananaliksik brainly.ph/question/421314 brainly.ph/question/480312 brainly.ph/question/2098615
Comments
Post a Comment