Kabanata 3: Ang Mga Sagot At Tanong Sa Kabanata Tatlo. (El Filibusterismo)

Kabanata 3: ang mga sagot at tanong sa kabanata tatlo. (El Filibusterismo)

Kabanata 3: ang mga sagot at tanong sa kabanata tatlo

1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta?

Ibinaling ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo sa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay gumagawa ng masama sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.

2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas?

Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan ang masasamang espiritu sapagka't walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga prayleng Kastila'y walang katotohanan. Sila'y tulisang Kastila naman natatakot ngayon.


brainly.ph/question/1312345

brainly.ph/question/1361515

brainly.ph/question/2096276


Comments

Popular posts from this blog

18 Na Tauhan Ng Florante At Laura

Bakit Itinuturing Ng Mga Taong Nag Araal Na Isang Henyo Si Pilosopong Tasyo?

Anu Ang Maaring Pagkunan Ng Paksa