Mga Nagawa Ni Mother Teresa
Mga nagawa ni mother Teresa
Si Mary Teresa Bojaxhiu o mas kilala sa tawag na Mother Teresa ay isang madre na Katoliko. Itinatag niya ang Missionaries of Charity na mayroong 4,500 na mga madre at aktibo sa halos 133 na bansa noong taong 2012. Ito ang naging takbuhan ng mga may HIV, ketong, tuberculosis at iba pang mga sakit na pinandidirihan noon. Bahagi ng gawain nila ang ampunin ang mga batang walang kinabukasan at inabandona na ng kanilang pamilya. Ang kanilang debosyon ay upang magkawang-gawa sa mahihirap. Siya ay aktibo sa pagtuligsa sa aborsyon at sa mahihirap na kalagayan ng mga tao.
Comments
Post a Comment